Siyam na ospital na tumangging tumanggap ng pasyente, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte
Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) ang siyam na ospital na tumangging tumanggap ng pasyente dahil sa puno na bunsod ng pagdagsa ng mga posibleng tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa Pangulo, hindi sapat na raso ang pagiging pagdagsa ng mga pasyante.
Utos ng pangulo, maglaan ng ward o tent ang isang ospital para ma-accommodate pa rin ang ibang pasyante.
Bilang ospital, may mga rules aniya na dapat na sundin ang mga ito lalo’t sila ang kanlungan ng mga maysakit.
Babala ng pangulo, kung hindi na kaya ng ospital na tumanggap ng pasyente at hindi tatalima sa kanyang kautusan, mas makabubuting magsara na lamang.
Hindi naman tinukoy ng Pangulo ang pagkakakilanlan ng siyam na ospital na tumangging tumanggap ng pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.