Isang opisyal ng Manila Health Dept., nasawi bunsod ng aksidente

Nasawi ang isang opisyal ng Manila Health Department makaraang masangkot sa isang aksidente sa bahagi ng Pres. Quirino Avenue sa Pandacan, araw ng Miyerkules (April 15).

Kinumpirma ni Dr. Arnold Pangan, acting City Health Officer ng MHD ang pagpanaw ni Dr. Maria Teresa Ballat Dajao, Medical Officer IV sa MHD.

Ayon kay Pangan, si Dajao ay isang hardworking at dependable Physician-in-charge ng Kahilum Health Center.

“Dra. Dajao, with her significant contributions providing higher standard of health care services to the Manilans will be solely missed by her colleagues and friends in the Manila Health Department,” pahayag ni Pangan.

Na-appoint si Dajao bilang Medical Officer IV ng MHD noong October 25, 2006.

Read more...