Bilang ng Filipino na nasawi sa abroad dahil sa COVID-19, pumalo na sa higit 100 – DFA
Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 16, nasa 757 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 41 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 414 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 240 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nadagdagan din ng 15 ang bilang ng nasawing overseas Filipino dahil sa COVID-19. Dahil dito, umabot na ito sa kabuuang 103.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 271 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 237 na kaso, Middle East/Africa na may 91 na kaso habang ang Americas naman ay may 158 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.