BREAKING: Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan ng 82

Nadagdagan ang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (April 16), nasa 435 na ang total recoveries ng sakit sa bansa.

82 ang panibagong napaulat na naka-recover sa nakakahawang sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, 13 pasyente ang nasawi kung kayat umabot na sa 362 ang COVID-19 related deaths.

207 naman ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, pumalo na sa 5,660 ang total confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Read more...