Dialysis patients sa Valenzuela City, libreng sasailalim sa COVID-19 testing
By Angellic Jordan April 16, 2020 - 03:16 PM
Isasailalim sa COVID-19 testing ang mga dialysis patients sa Valenzuela City.
Sa abiso ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela, sisimulan ang pagkuha ng swab sample sa lahat ng dialysis patient na residente ng lugar sa Biyernes, April 17.
Libre aniyang isasagawa ang proseso sa dialysis patients.
Para makapagpa-schedule o sa iba pang katanungan, maaari anilang makipag-ugnayan sa City Epidemiology and Surveillance Unit sa numerong 8352-5000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.