Pinuno ng Caloocan City Health Department, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan April 16, 2020 - 02:56 PM

Kinumpirma ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan na tinamaan ng COVID-19 ang pinuno ng Caloocan City Health Department.

Ayon sa alkalde, nagpakuha ng swab test para sa COVID-19 ang doktor noong April 9 base sa memorandum ng Department of Health (DOH) para pangalagaan ang mga frontliner sa bansa.

Asymptomatic aniya o walang nararamdamang siintomas ng sakit ang doktor nang magpasuri.

Nang lumabas ang resulta, nagpositibo ang doktor pero nananatiling asymptomatic.

Dahil dito, sinabi ni Malapitan na nakasailalim na sa quarantine ang doktor.

Patuloy naman aniya ang pagganap nito sa tungkulin sa pamamagitan ng telepono at iba pang digital connection.

Tiniyak naman ng alkalde na suportado ng Caloocan LGU ang doktor at pamilya nito sa gitna ng paglaban sa nakakahawang sakit.

“Ang Lungsod ng Caloocan ay sumusuporta sa nasabing doktor at sa kanyang pamilya sa kanyang laban kontra COVID-19. Nais ko pong ipabatid sa lahat ng mga doktor, nurses at iba pang frontliners na andito ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para suportahan, tulungan at kalingahin sila sa kanilang paggampan ng kanilang mga tungkulin. Makakaasa po kayo na dito sa Caloocan, hindi po namin kayo pababayaan,” pahayag ni Malapitan.

TAGS: Caloocan City Health Department, COVID-19 positive, Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan, Caloocan City Health Department, COVID-19 positive, Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.