Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, umakyat na sa 53

Mayroong panibagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit hanggang 1:00, Huwebes ng hapon (April 16), isa ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Nagpositibo ang isang 34-anyos na lalaking hospital frontliner.

Tiniyak naman ng CESU na mahigpit na tinututukan ang mga confirmed COVID-19 cases at nagsasagawa ng contact tracing.

Sa ngayon, umakyat na sa 53 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Read more...