COVID-19 testing center sa Marikina aprubado na ng DOH
Aprubado na ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 laboratory sa Marikina City.
Kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na inaprubahan na ng DOH ang operasyon ng COVID-19 testing center sa lungsod.
Ayon kay Teodoro handa nang magbukas ang kanilang testing center.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa calibration ang polymerase reaction machine na gagamitin para sa mga kukuhaning swab samples.
Inaasahan ayon kay Teodoro na sa susunod na linggo ay fully operational na ang laboratory testing center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.