Pagtaas ng COVID cases bunga ng pagtaas ng testing capacity sa bansa
Nagpaliwanag ang Inter Agency Task Force sa pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa COVID-19.
Sa pinakahuling talaan ng Deparment of Health (DOH), mahigit 5,000 katao na ang positibo sa naturang sakit.
Ayon kay Cabinet Secretay Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF marami ang nababahala sa pagtaas ng bilang mg COVID cases sa bansa.
Pero paliwanag ni Nograles tumaas kasi ang testing capacity sa Pilipinas.
Bunga nito, tumaas din ang bilang ng mga pasyente na nasuri.
Habang tumataas aniya ang kapasidad ng pagsuri sa mga pasyente, asahan nang tataas din ang bilang ng mga nagpopositibo.
Ayon kay Nograles, dahil sa tumataas na ang bilang ng mga nasusuri, higit na tutukan ngayon ng pamahalaan na mapataas ang bilang ng mga naka-recover sa COVID-19.
“Maraming nababahala doon sa pag-akyat ng bilang ng mga COVID-19 na ngayon ay nasa more than 5,000 na tayo – 5,223. Pero gusto ko lang din pong sabihin na this increase in the COVID-19 cases po natin is obviously a function of the expansion of our testing capacity,” ayon kay Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.