Tarragona, Davao Oriental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 77 kilometers Southeast ng bayan ng Tarragona, alas-9:37 umaga ng Huwebes (April 16).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...