Mundo babalik lang sa normal kapag may bakuna na kontra COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 16, 2020 - 08:53 AM

Makababalik lamang sa normal ang mundo kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni United Nations Secretary General Antonio Guterres.

Ayon kay Guterres ang ligtas at epektibong bakuna lamang ang paraan upang magkaroon muli ng “sense of normalcy” sa buong mundo.

Samantala, sa kaniyang pahayag, sinabi din ni Guterres na ngayong may problema ang buong mundo sa COVID-19 ay dapat nagkakaisa ang lahat ng mga bansa.

Hindi aniya ito ang tamang panahon para alisan ng resources ang World Health Organization (WHO) o anumang humanitarian organization na lumalaban sa sakit.

TAGS: sense of normalcy, United Nations, United Nations Secretary General Antonio Guterres, World Health Organization, sense of normalcy, United Nations, United Nations Secretary General Antonio Guterres, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.