France nakapagtala ng mahigit 1,400 na nasawi sa magdamag dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 16, 2020 - 08:03 AM

Sa nakalipas na magdamag nakapagtala ang bansang France ng mahigit 1,400 na nasawi dahil sa COVID-19.

Ang France ay mayroon nang kabuuang bilang na 17,167 na mga nasawi dahil sa sakit.

May naitala ring mahigit 4,500 na panibagong kaso ng COVID-19 sa France.

Sa ngayon ay umabot na sa 147,863 ang kaso sa France at nananatiling ito ang ikaapat na bansa na mayroong pinakamaraming kaso

Ang Spain naman na pangalawa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ay nakapagtala na ng 177,644 cases at 18,708 deaths.

Habang ang Italy ay mayroong 165,155 cases at 21,645 deaths.

Ang Germany naman ay mayroong 133,456 cases at 3,592 deaths.

 

TAGS: covid cases, covid death, covid pandemic, COVID-19, France, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid death, covid pandemic, COVID-19, France, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.