Kaso ng COVID-19 sa US mahigit 640,000 na; mahigit 2,300 na nasawi naitala sa magdamag

Nakapagtala ang Estados Unidos ng mahigit 27,000 na panibadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

Sa ngayon ang US ay mayroon nang 641,410 cases ng COVID-19.

Sa magdamag ay nakapagtala rin ng mahigit 2,300 na bilang ng nasawi sa sakit.

Umakyat na ngayon sa mahigit 28,300 ang bilang ng nasawi sa US.

Pinakamarami pa ring kaso ang New York na nakapagtala na ng mahigit 214,000 na kaso at mahigit 11,600 na nasawi.

 

 

 

 

Read more...