Desisyon ni US Pres. Donald Trump ikinalungkot ng WHO

By Dona Dominguez-Cargullo April 16, 2020 - 06:47 AM

Ikinalungkot ng World Health Organization (WHO) ang pasya ni US President Donald Trump na ihinto ang pagbibigay ng pondo sa organisasyon.

Sa press briefing, sinabi ni WHO Director Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang Eastados Unidos ay matagal nang “generous” sa WHO at umaasa silang magpapatuloy ito.

Itinuturing namang “usual process” ng WHO ang pasya ng US na isailalim sa review ang performance ng WHO.

Aminado din si Ghebreyesus na talagang may improvement na kailangang isagawa sa organisasyon.

Pero sa ngayon ayon sa WHO ang kanilang focus ay ang mapahinto ang paglaganap ng COVID-19 at mailigtas ang buhay ng mga mamamayan.

Ayon sa WHO, mula nang pumutok ang outbreak ng COVID-19 ay nagpatuloy ang WHO sa pag-aaral sa sakit, inaral ang tugon ng bawat mga bansa at ibinahagi ito sa mundo, nagsanay ng mga healthworker, nagbigay ng technical guidance sa mga bansang apektado at nagpadala ng medical equipment.

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO Director Tedros Adhanom Ghebreyesus, World Health Organization, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO Director Tedros Adhanom Ghebreyesus, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.