Easterlies umiiral sa bansa ngayong araw

By Mary Rose Cabrales April 16, 2020 - 06:34 AM

Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw ng Huwebes (April 16).

Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA, mainit at maalinsangang panahon sa bansa ngayong araw dahil sa epekto ng easterlies.

Makararanas ng maaliwalas na panahon ang Metro Manila at buong Luzon sa susunod na 24 oras.

Asahan na rin ang mga biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi pero generally fair weather o bahagyang maulap hanggang sa maulap nakalangitan ang mararanasan ngayong araw.

Maaraw hanggang sa bahagyang maulap na kalangitan ang mararanasan sa Visayas at Mindanao at may posibilidad din ng mga pag-ulan sa hapon o sa gabi.

Wala namang nakikitang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na maaaring makaapekto sa bansa loob ng 3 hanggang 5 araw.

Samantala, walang nakataas na gail warning sa mga baybaying dagat kaya’t maaring maglayag ang mga mangingisda ngayong araw.

 

 

 

 

TAGS: easterlies, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, easterlies, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.