Mga kandidato, nag-ikot sa mga probinsya

 

Inikot ni Vice President Jejomar Binay ang lalawigan ng Laguna sa pagpapatuloy ng kampanya ng mga kandidatong tumatakbo sa pagka-pangulo.

Ang Laguna ang ikaapat na probinsya sa bansa may pinakamaraming botante.

Nakasama nito ang napatalsik na gobernador ng lalawigan na si ER Ejercito

Humarap naman sa 1,400 miyembro ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang tambalan nina Mar Roxas at Leni Robredo.

Nakasama nila si Pangulong Benigno Aquino III na humimok sa mga dumalo na tulungan itong maipagpatuloy ang kanyang naumpisahan.

Ang lalagiwan naman ng Cebu ang tinungo ng tandem nina Senador Grace Poe at Chiz Escudero.

Mag-isa namang nangampanya sa Tuguegarao, Cagayan si Mayor Rodrigo Duterte.

Hindi rin nakasama sa pag-iikot sa Vigan City ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos ang running mate nito na si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Read more...