Apat kabilang ang isang tumanggap na ng cash assistance mula DSWD arestado sa pagsusugal sa Baguio

Arestado ang apat na katao matapos mahuling nagsusugal sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Police Office Station 9, kabilang sa nadakip ang isang benepisyaryo ng 4P’s at isang katatanggap lamang ng tulong pinansyal mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ginawa ang operasyon sa Lower Cypress Irisan sa Baguio matapos na may magsumbong na mga residente na ang mga suspek ay nagto-Tong its.

Nadatnan ang apat na suspek na naglalaro ng tong-its

Mahaharap ang apat sa paglabag sa enhanced community quarantine at PD 1602.

 

 

 

 

 

Read more...