PCSO board, nahaharap sa 50-B plunder case

By Jay Dones February 11, 2016 - 04:34 AM

 

PCSONahaharap sa 50-bilyong pisong plunder case ang mga miyembro ng board ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ang reklamo ay nakatakdang isampa ngayong araw sa Ombudsman ng isang dating guro at pinuno ng grupong Citizen’s Crime Watch.

Ayon kay Diego Magpantay, complainant sa reklamo, batay sa mga ulat ng Inquirer at resulta ng mga pagdinig sa Kongreso na maraming dapat ipaliwanag ang PCSO sa taumbayan hinggil sa operasyon ng Small Town Lottery o STL at kung saan napupunta ang kinikita nito.

Taong 1987 pa aniya nagsimula ang STL sa pag-asang mapapatigil nito ang iligal na sugal na jueteng ngunit wala ring nangyari.

Kabilang sa mga respondents sa naturang reklamo ng CCW ay sina General Manager Jose Ferdinand Rojas II, Francisco Manuel Joaquin III, Mabel Mamba, Betty Nantes at Remeliza Gatbuyo.

Hindi naman kabilang sa kakasuhan si PCSO Chairman Irineo “Ayong”Maliksi.

Ayon kay Magpantay, naniniwala itong hindi sangkot sa anomalya si Maliksi dahil ito pa mismo ang humiling sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin.

Samantala, sa text message sa Inqurier, iginiit ni GM Rojas na walang basehan ang naturang alegasyon.

Giit nito, sa mahigit 80 probinsya sa bansa, 14 lamang dito ang may STL kaya’t kung may ibang ‘numbers game’ sa ibang probinsya, ito’y itinuturing na iligal.

Paliwanag pa ni Rojas, bantay-sarado ng Governance Commission ng Government Owned and Controlled Corporation ang operasyon ng PCSO.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.