Mga lalapit kay Pangulong Duterte, sasailalim sa rapid testing – PSG
Inihayag ng Presidential Security Group (PSG) na sasailalim sa regular screening procedures ang lahat ng lalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PSG commander Colonel Jesus Durante, kabilang sa screening procedures ang rapid testing para malaman kung infected ng COVID-19.
Sinumang mapag-alamang positibo sa nakakahawang sakit ay hindi papayagang makapasok sa pasilidad.
Hindi rin papayagan ang mga makikitaan ng sintomas ng sakit tulad ng lagnat at iba pa.
Ani Durante, isasagawa ng PSG Task Force Covid’s medical team ang rapid testing.
“It is totally different from the polymerase chain reaction (RT-PCR) test kits administered by RITM and its affiliates,” pahayag nito.
“The procedure exempts nobody and is even administered to high ranking government officials, PSG troopers, and close-in personnel who always accompany the President,” dagdag pa ni Durante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.