Walang sama ng panahon sa loob ng bansa – PAGASA

By Angellic Jordan April 15, 2020 - 07:36 PM

Photo grab from DOST PAGASA website

Umiiral ang ridge ng High Pressure Area (HPA) sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Samuel Duran na magdudulot ang nasabing weather system ng halos magandang lagay ng panahon sa buong bansa.

Sa susunod na 24 oras, inaasahan lamang aniya ang isolated rainshowers sa Silangang bahagi ng Luzon.

Posible aniyang umabot sa 34 degrees Celcius ang pinakamainit na temperatura sa Tuguegarao, Metro Manila at Puerto Princesa.

Magiging mainit at maalinsangan din ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban lamang sa thunderstorms sa Silangang bahagi ng dalawang rehiyon.

Sinabi pa ni Duran na walang namomonitor na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

TAGS: Pagasa, Ridge ng high pressure area, Pagasa, Ridge ng high pressure area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.