Pagsasagawa ng census para sa bagong listahan ng 4Ps inihirit
Inirekomenda ni Deputy Speaker Mikee Romero sa Department of Social Welfare and Development at Department of Finance na gumamit ng pinakahuling statistical references bukod sa 2015 Census sa pagtukoy ng mahihirap na pamilya.
Ayon kay Romero, kailangang palawakin ang sakop ng 4Ps dahil tiyak aniyang babalik sa higit 20% ang poverty rate o higit 4 milyong pamilya.
Nagbabala pa si Romero na baka dumoble ang unemployment rate sa buong taon kapag hindi nakabalik sa trabaho ang mga manggagawa epekto ng COVID-19 crisis.
Sabi ng kongresista, importante ang 2020 Census dahil kakailanganin ito ng Kongreso at ng gobyerno sa adjustment ng susunod na budget gayundin sa calibration ng COVID-19 measures.
Ayon sa mambabatas, meron nang resulta ang Philippine Statistics Authority ng 2018 Family Income and Expenditure Survey.
Maaari aniya itong magamit ng DSWD at DOF para remedyuhan ang poverty data sa paggawa ng bagong calculations para masakop ang dagdag na mga pamilya sa mabebenepisyuhan ng Social Amelioration Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.