PICC health facility, naiturn-over na sa PNP Medical Corps
Naiturn-over na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Philippine National Police (PNP) Medical Corps ang Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls na magsisilbing health facility sa Pasay City, araw ng Miyerkules (April 15).
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang pasilidad sa PICC Forum Tent ay mayroong 294 patient cubicles at anim na nurse station.
Mayroon ding anim na smart houses sa labas ng Forum building para magamit ng medical workers.
Sa loob ng nasabing health facility, mayroon itong hospital beds, IV stands, wheelchairs at defibrillators.
Magkakaroon din ng mobile pharmacy at mobile X-ray machine sa lugar.
Ayon sa kalihim, pangungunahan ng PNP Medical Corps ang operasyon sa PICC health facility para tugunan ang mga pangangailan ng mga pasyente na may mild hanggang moderate cases of COVID-19.
Nakumpleto aniya ang pagsasaayos ng PICC health facility tatlong araw bago ang itinakdang schedule sa tulong ng EEI at Vista Land Group.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si PNP Chief General Archie Francisco Gamboa sa DPWH para sa mabilis na pagtapos ng proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.