SC magdaraos ng special session sa April 17

Magdaraos ang Supreme Court ng special en banc session sa araw ng Biyernes, April 17.

Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, tagapagsalita ng SC, kinumpirma ito ni En Banc Clerk of Court Atty. Ed Aricheta.

Sinabi ni Hosaka na online isasagawa ang sesyon.

Hindi naman binanggit ni Hosaka kung ano ang magiging agenda ng nakatakdang pulong.

Mayroon din sanang sesyon ang SC sa araw ng Miyerkules, April 15, ngunit nakansela ito.

Read more...