Dahil dito, aabot sa P2 milyon ang life insurance na pwedeng matanggap ng pamilya ng isang government medical frontliner na masasawi dahil sa COVID-19.
Sa virtual meeting ng Defeat COVID-19 Committee (DCC) ng Kamara, inihayag ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na itinaas nila ang life insurance ng medical frontliner members base sa kanilang buwanang sahod.
Ang life insurance ng mga ito ay umaabot ng P300,000 hanggang P500,000 depende sa monthly compensation, iba pa ito sa idadagdag na halagang P500,000.
Ibig sabihin, sakaling masawi ang isang government medical frontliner dahil sa COVID-19, mayroong matatanggap ang naiwang pamilya ng P800,000 hanggang P1 milyon na life insurance.
Bukod pa rin ito sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act na bagong insurance policy na P1 milyon para sa pamilya ng health worker na masasawi sa COVID-19 kaya sa kabuuan ay maaaring umabot ng P2 milyon ang insurance na matatanggap ng mga ito.