Life insurance ng medical frontliners sa public sector, tinaasan ng GSIS

By Erwin Aguilon April 15, 2020 - 02:06 PM

Dinagdagan ng Government Service Insurance System o GSIS ang life insurance ng medical frontliners ng gobyerno ng halagang P500,000.

Dahil dito, aabot sa P2 milyon ang life insurance na pwedeng matanggap ng pamilya ng isang government medical frontliner na masasawi dahil sa COVID-19.

Sa virtual meeting ng Defeat COVID-19 Committee (DCC) ng Kamara, inihayag ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na itinaas nila ang life insurance ng medical frontliner members base sa kanilang buwanang sahod.

Ang life insurance ng mga ito ay umaabot ng P300,000 hanggang P500,000 depende sa monthly compensation, iba pa ito sa idadagdag na halagang P500,000.

Ibig sabihin, sakaling masawi ang isang government medical frontliner dahil sa COVID-19, mayroong matatanggap ang naiwang pamilya ng P800,000 hanggang P1 milyon na life insurance.

Bukod pa rin ito sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act na bagong insurance policy na P1 milyon para sa pamilya ng health worker na masasawi sa COVID-19 kaya sa kabuuan ay maaaring umabot ng P2 milyon ang insurance na matatanggap ng mga ito.

TAGS: COVID-19, GSIS, Life insurance ng medical frontliners sa public sector, COVID-19, GSIS, Life insurance ng medical frontliners sa public sector

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.