MMDA at HPG nagsagawa ng operasyon sa EDSA

Nagsagawa ng operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.

Ang mga driver ng non-essential vehicles at walang sapat na dahilan para bumiyahe ay inisyuhan ng ticket at kinumpiska ang lisensya.

Dahil sa operasyon, nagkaroon ng mahabang pila ng mga sasakyan sa EDSA.

Pinatatabi kasi ang mga pribadong sasakyan at mga motorsiklo para tanungin kung ano ang dahilan ng kanilang pagbiyahe.

Ang mga cargoe at ambulansya ay pinapayagang makadaan ng malaya sa inner lane.

Magtutuluy-tuloy ang operasyo ng HPG makaraang mapansin nitong nagdaang mga araw ang pagdami ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.

Read more...