Legal aid ng mga law school para sa mga frontliner at pasyente ng COVID dapat ituloy
Hiniling ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa mga law school na ipagpatuloy ang mga free legal aid sa harap ng kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.
Sabi ni Nograles, matutulungan nito ang mga fronliner at maging ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 na nakararanas ng diskriminasyon.
Malaki aniya ang tulong ng mga law school upang maipagtanggol ang mga frontliner na sa kabila ng pagtataya ng kanilang sariling kaligtasan ay nakararanas pa ng diskriminasyon.
Maliban dito, makatutulong aniya ang free legal aid ng mga law school sa kanilang mga estudyante para maagang matuto ang mga ito sa takbo ng propesyon na kanilang papasukan.
Kung patuloy anya na mag-operate ang mga free legal clinic ng mga law school bukod sa makakatulong sa mga nangangailangan ng kanilang serbisyo ay nabibigyan pa rin natin ng training ang mga future lawyer.
Noong nakaraang linggo, binuo ng mga alumni ng UP College of Law ang Volunteer Lawyers Against Discrimination (VLAD) mula sa 20 law school sa buong bansa, para tulungan ang mga biktima ng diskriminasyon na may kaugnayan sa COVID-19 pandemic at mga frontliner kasama na ang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Una nang sinuportahan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na nangakong idedepensa ng mga ito ang mga frontliner na biktima ng diskriminasyon at karapatang pantao dahil sa pagganap ng mga ito sa kanilang tungkulin laban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.