Pagbebenta ng ari-arian ng gobyerno para magamit sa pagtugon sa COVID-19 crisis suportado ng lider ng minorya sa Kamara
Pabor si House Minority Leader Benny Abante na magbenta na lang ng ari-arian ang gobyerno para magdagdagan ang pondo sa paglaban sa coronavirus disease 2019.
Ayon kay Abante, mas okay na ito kaysa magpanukala na naman ng mga bagong buwis.
Tiniyak ng minority leader na hindi niya na susuportahan ang anumang tax measures na ihahain sa Kamara.
Iminungkahi pa ni Abante na kung talagang aabot sa puntong ito, dapat maging prayoridad ang mga Pilipinong kumpanya bago ang mga dayuhan.
Dapat rin anyang tiyakin ng Philippine Competition Commission na ang pagbebenta sa mga ari-ariang ito ay hindi magreresulta aa monopolyo o kartel.
Una nang sinabi ni Pang. Duterte na ipagbibili niya ang ilan sa mga lupa ng gobyerno kapag naubos ang pondo sa pagtugon sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.