Kumpiyansa ang Inter Agency Task Force on Infectious Diseases na lalabas na ang mas accurate na bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa bansa sa pagsisimula ng mass testings.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, matutukoy na kasi kung sino sa mga persons under investigation o PUI ang mga positibo o negatibo sa coronavirus.
Sa ngayon ayon kay Nograles, nasa 17 0 18 percent sa mga sumasalang sa pagsusuri ang nagpopositibo sa coronavirus.
Paglilinaw ni Nograles, kapag sinabing mass testing, hindi ito nangangahulugan na pwede nang magpasuri sa coronavirus ang sinuman, kundi ang mga persons under investigation, persons under monitoring, ang mga nasa ospital na matatanda, buntis at may kasalukuyang nararanasang sakit.
Nasa 16 COVID-19 testing facilities na mayroon ngayon ang pilipinas kasama na rito ang St. Luke’s Global at Quezon City, V. Luna Hospital, The Medical City sa Pasig, Makati Medical Center at Molecular Diagnostic Laboratory.