Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isinagawang assessment sa Marikina laboratory ay natuklasan na hindi pa rin naka-install ang biosafety equipment nito.
Maging ang mga tauhan na magmamando sa laboratoryo ay hindi pa naisasailalim sa pagsasanay.
Sa ngayon ayon sa DOH, ang pasilidad sa Marikina ay nasa Stage 3 pa lamang ng 5-stage acreditation process.
“Rest assured, the DOH will continue to provide them with technical assistance until they are ready to operate,” ayon sa DOH.
Sinabi ng DOH na maaring magdulot ng hindi maganda sa kalusugan kung ang tao ay mae-expose sa isang laboratoryo na walang karampatang certifications.