Isa pang Pinay nurse sa UK pumanaw sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 11:07 AM

Isa pang Filipino nurse na nagseserbisyo sa National Health Service ng United Kingdom ang pumanaw sa COVID-19.

Sa datos, tatlong Filipino nurse na at dalawang Pinoy hospital porters na ang pumanaw sa sakit sa UK.

Ang ikatlong Pinay na pumanaw sa sakit ay si Leilani Medel na nagtatrabaho bilang agency nurse sa South Wales.

Ang asawa niyang si Johnny Medel Jr., 42 anyos at isa ring healthcare worker ay nakaratay din dahil sa COVID-19.

Habang ang kanilang 13 anyos na anak na tinamaan din ng virus ay naka-recover na.

Una rito ay iniulat ni Philippine Ambassador Antonio Lagdameo ang pagpanaw ng nurse na sina Leilani Dayrit at Melujean Ballesteros.

Gayundin ang dalawang hospital porters na Pinoy na sina Oscar King at Elbert Rico.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, leilani medel, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, united kingdom, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, leilani medel, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, united kingdom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.