Quarantine ships nagagamit na ng 90 repatriated Pinoy seafarers
Siyamnapung repatriated na Filipino seafarers ang unang gumamit ng quarantine ships ng 2GO.
Dumating sa barko ang mga seafarer kagabi na pawang mula South Korea, Indonesia at Qatar.
Isinailalim sa medical screening ng mga tauhan ng Bureau of Quarantine at Philippine Coast Guard ang mga Pinoy.
Pagkatapos ito ay dinala sila sa kani-kanilang mga kwarto sa barko kung saan nila tatapusin ang quarantine.
Mayroong 75 security personnel ang coast guard at 25 nurses na magbabantay sa mga quarantine ship.
Sila ang titingin sa kondisyon ng mga naka-quarantine at mamamahala sa pagkain at iba pang pangangailangan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.