Preliminary investigation kay Sen. Koko Pimentel itinakda na ng DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 09:57 AM

Itinakda ng Department of Justice (DOJ) sa May 30 ang initial hearing para sa preliminary investigation kay Senator Koko Pimentel III.

Ito ay kaugnay sa paglabag ni Pimentel sa umiiral na enhanced community quarantine nang siya ay magtungo sa Makati Medical Center at ma-expose sa kaniya ang mga staff doon.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, tentative pa lang ang naturang petsa at maari pang mabago.

Naisilbi na rin kay Pimentel ang order na nag-aatas sa kaniyang maghain ng reply sa reklamo na isinampa ni Atty. Rico Quicho.

Si Asst. State Prosecutor Wendell Bendoval ang tutukoy kung ang reklamo ay may basehan para isulong sa korte o mababasura lamang.

Magugunitang umalma ang mga taga-Makati Med ng magtungo doon si Pimentel para samahahan ang buntis na asawa gayong ito ay COVID-19 positive.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DOJ, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Koko Pimentel, News in the Philippines, Preliminary Investigation, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DOJ, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Koko Pimentel, News in the Philippines, Preliminary Investigation, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.