Sa panayam ng Radyo Inquirer kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sinabi nitong kung alam naman nilang sila ay “eligile families” at nararapat na tumanggap ng tulong pinansyal subalit wala sila sa listahan ay pwede silang umapela.
Ang apela ay gagawin sa local social workers na nakasasakop sa lugar.
Ang social workers naman ang magpapabatid nito sa DSWD at pag-aaralan ng DSWD kung nararapat bang aprubahan ang apela.
Sa ngayon ay marami nang local na pamahalaan ang nakatanggap ng kani-kanilang pondo.
Ayon kay Dumlao, mula sa petsa kung kailan nila natanggap ang pondo, ay mayroong 5 hanggang 7 araw ang mga LGU para ipamahagi ang tulong-pinansyal sa kanilang constituents.