Mahihirap na pamilyang wala sa listahan ng SAP pwedeng umapela – DSWD
Maaring umapela ang mga pamilyang hindi napasama sa listahan para sa social amelioration program ng pamahalaan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sinabi nitong kung alam naman nilang sila ay “eligile families” at nararapat na tumanggap ng tulong pinansyal subalit wala sila sa listahan ay pwede silang umapela.
Ang apela ay gagawin sa local social workers na nakasasakop sa lugar.
Ang social workers naman ang magpapabatid nito sa DSWD at pag-aaralan ng DSWD kung nararapat bang aprubahan ang apela.
Sa ngayon ay marami nang local na pamahalaan ang nakatanggap ng kani-kanilang pondo.
Ayon kay Dumlao, mula sa petsa kung kailan nila natanggap ang pondo, ay mayroong 5 hanggang 7 araw ang mga LGU para ipamahagi ang tulong-pinansyal sa kanilang constituents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.