Malamig na panahon, malapit nang magtapos

By Jay Dones February 11, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Inaasahang sa katapusan ng Pebrero ay tapos na ang nararanasang malamig na panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, malapit nang magtapos ang pag-iral ng hanging amihan o northeast monsoon na nagdadala ng malamig na hangin sa Pilipinas sa katapusan ng buwan.

Asahan na anila ng publiko na sa pagpasok ng susunod na buwan, mararanasan na ang higit sa normal na tag-init na paiigtingin ng El Niño phenomenon.

Dahil dito, magiging mas matindi pa ang dry spell na nararanasan na ng 49 sa 81 probinsya sa bansa sa ngayon.

Magiging paiba-iba rin ang antas ng temperatura ngayong buwan kung saan posibleng bumaba sa 18 degrees Celsius ang temperatura sa Luzon at Visayas at tumaas ng hanggang 36 degrees Celsius.

Ito’y bunsod pa rin ng paiba-ibang kilos ng hanging amihan o northeast monsoon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.