UK, France kapwa makapagtala ng mahigit 700 nasawi sa COVID-19 sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 07:25 AM

Kapwa nakapagtala ng mahigit 700 nasawi sa magdamag ang United Kingdom at ang France.

Ang UK ay nakapagtala ng 778 na nasawi sa magdamag kaya umabot na sa 12,107 ang death toll nito sa COVID-19.

Mayroon namang mahigit 93,800 na kaso ang UK makaraang makapagtala ng mahigit 5,200 na bagong kaso sa magdamag.

Ang France naman ay nakapagtala ng 762 na panibagong bilang ng nasawi sa magdamag kaya umabot na sa 15,729 ang death toll ng bansa.

Sa ngayon ang France ay mayroong mahigit 143,300 cases matapos itong magtala ng mahigit 6,500 na kaso sa magdamag.

Ang Italy ay nakapagtala ng mahigit 600 na panibagong nasawi. Sa ngayon ay mahigit 21,000 ang death toll ng Italy.

Habang mayroon itong mahigit 162,000 na kaso.

Habang ang Spain naman ay mayroong mahigit 18,000 na death toll at mahigit 172,000 cases.

TAGS: covid cases, covid pandemic, covid patients, COVID-19, France, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, united kingdom, covid cases, covid pandemic, covid patients, COVID-19, France, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, united kingdom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.