Ito ay habang isinasailalim ng Amerika sa “review” ang pagganap ng WHO sa kanilang trabaho.
Ayon kay Trump kabilang sa bubusisiin ang “mismanaging” ng WHO at “cover up” nito sa paglaganap ng coronavirus.
Sinabi ni Trump na noong nagpatupad ang US ng travel restrictions sa China noong kasagsagan ng outbreak ay tinutulan ito ng WHO.
Ani Trump ang iba pang mga bansa na sumunod sa guidelines ng WHO na panatilihing bukas ang kanilang borders sa mga mamamayan ng China ay nakapagtala ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
President @realDonaldTrump is halting funding of the World Health Organization while a review is conducted to assess WHO's role in mismanaging the Coronavirus outbreak. pic.twitter.com/jTrEf4WWj0
— The White House (@WhiteHouse) April 14, 2020