Mahigit 2,200 pumanaw sa US sa magdamag dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 06:32 AM

Sa nakalipas na magdamag umabot sa mahigit 2,200 ang bilang ng nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng pagkasawi sa US sa loob ng isang araw.

Sa datos, umabot na sa mahigit 25,800 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Sa magdamag ay nakapagtala din ng mahigit 23,600 na panibagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, sumampa na sa mahigit 610,000 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa Estados Unidos.

Sa nasabing bilang, mahigit 38,000 ang naka0recover na at mahigit 546,000 pa ang aktibong kaso.

 

TAGS: covid 19 in US, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, more than 2000 deaths, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid 19 in US, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, more than 2000 deaths, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.