Bilang ng laboratoryo na makakapagsagawa ng COVID-19 testing, nasa 16 na – DOH

Nadagdagan ang bilang ng mga laboratoryo na makakapagsagawa ng COVID-19 testing sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang April 14, nasa 16 na ang certified laboratories na kayang magsagawa ng Real Time RT-PCR para sa nakakahawang sakit.

Kabilang na rito ang mga sumusunod:
– Research Institute for Tropical Medicine
– Baguio General Hospital and Medical Center
– San Lazaro Hospital
– Vicente Sotto Memorial Medical Center
– Southern Philippines Medical Center
– UP National Institutes of Health
– Lung Center of the Philippines
– Western Visayas Medical Center
– Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory
– St. Luke’s Medical Center – QC
– The Medical City – Ortigas
– Victoriano Luna Hospital
– Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory
– St. Luke’s Medical Center – BGC
– Makati Medical Center
– Philippine Red Cross

Tiniyak ng DOH na patuloy nilang pagtitibayin ang testing capabilities ng bansa.

Read more...