Mandatory na pagsusuot ng face masks, ipinatutupad na sa Taguig
Ipinatutupad na ng pamahalaang lokal ng Taguig ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa lungsod.
Sa ilalim ng Ordinance 12, kailangang nakasuot ng face masks ang lahat ng tao na nasa mga pampublikong lugar.
Maaari anilang gamitin ang mga sumusunod:
– surgical masks
– cloth masks
– bandanas
– washable masks
– N-95 masks
Sinabi ng Taguig LGU na hindi papayagan ang sinuman na pumasok sa isang establisimyento kung walang suot na face mask.
Sinumang lumabag sa ordinansa ay dadaan sa community service nang tatlong oras sa first offense.
Masasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 11332 ang sinumang mahuhuli ng mga otoridad na lumabag muli sa ordinansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.