Pambu-bully ng China, dapat itigil na – US

By Jay Dones February 11, 2016 - 03:03 AM

 

mischief_reef west phil seaNakatakdang magbigay ng mensahe si US President Barack Obama sa summit na magaganap sa pagitan ng mga bansa sa  Southeast Asia.

Si Obama ang mangunguna pagpupulong ng mga kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN saCalifornia sa susunod na linggo.

Ayon kay Ben Rhodes, US deputy national security adviser, inaasahang muling igigiit ni Obama sa kanyang mensahe na itigil na ng China ang ‘pambu-bully’ sa South China Sea.

Dapat aniyang maresolba ang isyu sa pamamagitan ng maayos nap ag-uusap at hindi sa ‘pag-bully’ ng isang malaking bansa tulad ng China sa mga maliliit na bansa sa rehiyon.

Bagaman hindi dadalo ang China sa ASEAN meeting, inaasahang magiging sa pagpupulong ang ginagawang reclamation ng China sa ilang mga isla at bahura sa South China Sea .

Bukod sa South China sea dispute, inaasahang bibigyang-pansin din ni Obama ang mga nuclear test na isinakatuparan ng North Korea kamakailan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.