Globe, may handog na libreng Wi-Fi sa World Trade Center
May handog ang Globe Telecom Inc. na libreng Wi-Fi connection sa World Trade Center sa Pasay City.
Isa ang World Trade Center sa mga itinalagang quarantine facility para sa mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) sa COVID-19.
Sa abiso ng kumpanya, layon nitong matulungan ang mga nagseserbisyong frontliner sa World Trade Center tulad ng mga doktor, nurse at iba pang medical personnel.
Nais din ng kumpanya na makatulong sa mga pasyente na manatiling konektado at may kaalaman ukol sa paglaban ng bansa sa COVID-19.
Maaari anilang ma-avail ang libre at unlimited na GoWiFi connection simula April 13.
Sinabi ng kumpanya na “until further notice” epektibo ang libreng Wi-Fi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.