Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa abroad, sumampa na sa 700 – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 14, nasa 704 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 41 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 400 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 216 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nadagdagan ng apat ang bilang ng nasawi dahil sa sakit kung kaya umabot na ang kabuuang datos sa 88.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 258 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 221 na kaso, Middle East/Africa na may 86 na kaso habang ang Americas naman ay may 139 cases.

Read more...