Manila LGU, bumubuo na ng bagong restrictions sa Blumentritt Market

Bumubuo na ng bagong restrictions ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga palengke sa bahagi ng Blumentritt.

Ito ay matapos dumagsa ang mga mamimili sa mga palengke sa lugar kasunod ng pagsasara ng Balintawak Market.

Sa ibinahaging larawan ng Manila Public Information Office, nakapulong ni Acting Secretary to the Mayor Manuel “Letlet” Zarcal at Manila Barangay Bureau chief Romeo Bagay ang limang barangay chairperson at pulis, araw ng Martes.

Manila PIO photo

Tinalakay ng mga opisyal ang ipatutupad sa bagong restrictions para maiwasan ang pagbuhos ng mga tao sa pamilihan sa Blumentritt.

Batay sa mga video na kuha ng Radyo Inquirer, halos hindi nasunod ang isang metrong distanya bawat tao dahil sa dami ng tao sa palengke.

Sa datos ng mga otoridad, umabot sa halos 5,000 ang dumating sa palengke, Martes ng umaga.

Read more...