BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 5,223

Patuloy ang paglobo ng tinatamaan ng Coronavirus Disease sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (April 14), nasa 5,223 na ang COVID-19 positive cases sa bansa.

291 ang napaulat na panibagong kaso sa Pilipinas sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa datos, 20 pang pasyente ang nasawi kung kayat umabot na ang COVID-19 related deaths sa 335.

Samantala, 53 naman ang napaulat na gumaling sa COVID-19 sa bansa sa magdamag.

Dahil dito, umakyat ang bilang ng total recoveries ng nakamamatay na virus sa Pilipinas sa 295.

Read more...