Asahang makakaranas ng pag-ulan sa Zambales at Bataan.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:12, Martes ng hapon (April 14), iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa nasabing dalawang lalawigin.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente sa Zambales at Bataan na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.