Apat pang quarantine facilities, itatayo sa Makati
Magtatayo ang pamahalaang lokal ng Makati ng apat pang karagdagang quarantine facilities.
Ayon kay Mayor Abby Binay, layon nitong madagdagan ang kapasidad ng mga ospital na makapag-asiste ng mga pasyente na apektado ng COVID-19 at maging ng persons under investigation (PUI).
Katuwang aniya ng Makati LGU sa pagtatayo nito ang ilang private sector donors.
Itatayo ang tatlong emergency quarantine facilities sa bahagi ng Pembo Elementary School habang isa naman sa parking area ng Ospital ng Makati.
Sa loob ng bawat facility, mayroong 15 kama, sanitation and disinfection areas, testing box, at pahingahan ng medical workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.