Ayon kay Mayor Abby Binay, nakipagkasundo ang Makati LGU sa NewLife Techwin Inc. para magpagamit ng dalawang crematory machines sa lungsod.
Batay sa kasunduan, ang nasabing pribadong kumpanya ang mangangasiwa sa crematory procedures sa loob ng isang taon.
Maliban dito, tutulungan din ito sa pagtatayo ng temporary crematorium sa Makati Park and Garden.
Ayon sa alkalde, aabot ng P18,300 ang ilalaang pondo sa bawat residenteng nasawi.
Aniya, ito ang paraan ng pamahalaang lokal ng Makati para ipaabot ang tulong, pakikiramay at malasakit sa kaanak na naiwan ng nasawing pasyente.
Pagtitiyak pa ni Binay, ligtas ang gagawing cremation process at pasado sa protocols ng Department of Health (DOH).