Mga nambato sa bahay ng COVID patient sa Iloilo ipinaaresto ni Pangulong Duterte

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga nambato sa bahay ng COVID-19 patient sa Iloilo.

Utos ng pangulo sa mga pulis, dalhin sa Bicutan, Taguig at huwag i-release ang mga suspek.

Ayon pa ng pangulo, kapag nasa kulungan na ang mga suspek, huwag pakainin at hayaang magutom.

Kapag idenimenda naman ang mga pulis, sabihin lang daw ng mga ito sa korte na utos niya ang pag-aresto.

Pag-aresto rin ang utos ng pangulo sa sinumang magdi-discriminate sa mga health workers.

 

 

Read more...